Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyanteng babae 5 beses binaril, bata nadamay

0 169

Patay noon din ang isang 65- anyos na negosyanteng ginang nang pagbabarilin ng di nakilalang mga salarin sa loob ng kanyang sari-sari store, Sabado ng gabi sa Benitez Subd., Brgy. Concepion, Zaragoza, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Nelson Sarmiento, nakilala ang biktima na si Julie Isip Ramos, na nagtamo ng 5 bala ng baril.

Isang totoy din na bumibili sa tindahan ang tinamaan din sa pusod at ngayon ay nakaratay sa pagamutan.

SM food to go Banner Ad

Ika-6:50 ng gabi nang dumating ang mga salarin na riding in tandem. Nagkunwari ang mga itong kustoner, pinagbabaril ang biktima at mabilis na tumakas.

Nakarekober ng 2 basyo ng bala ng caliber 45 at 3 basyo ng bala ng caliber 9MM ang SOCO team.

Ang pagpapautang umano ng biktima ang pinag-aaralangang motibo sa krimen, ayon kay Major Sarmiento. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.