Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyanteng Bangladeshi binaril sa bangketa

0 55

Nadakip ang isang lalaking suspek na bumaril sa isang Bangladeshi businessman sa Libertad sa Taft Avenue, Pasay City nitong Biyernes ng gabi.

Sa CCTV footage, naglalakad ang biktimang nakasuot ng puting T-shirt nang lapitan ng isang lalaking naka-striped T-shirt at saka binaril.

Bumagsak ang biktima sa bangketa at agad tumakas ang suspek.

Dineklarang dead-on-arrival ang Bangladeshi nang dalhin sa ospital.

SM food to go Banner Ad

Samantala, agad na natunton ng mga pulis ang gunman sa Brgy. 74.

Inamin ng suspek sa pulisya na matindi lang ang kanyang pangangailangan kaya nagawa ito. Aniya, nautusan lamang siya.

Tinutukoy pa rin ng awtoridad kung sino ang utak sa pagligpit sa Bangladeshi. (AMDJ)

Leave A Reply

Your email address will not be published.