Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyanteng Chinese nilooban ng mga dating tauhan

0 77

Mga dating tauhan ng isang Chinese national na businessman ang ilan sa mga nanloob sa bahay niya sa Parañaque City noong weekend, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni Parañaque City Police Chief Col. Maximo Sebastian Jr., na Sabado ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng 27-anyos na Tsino sa Multinational Village sa Barangay Moonwalk.

Winasak umano ng mga suspek ang padlock sa gate gamit ang bolt cutter. Nang makapasok sa loob, agad nilang iginapos sa plastic na straw ang biktima at saka nilagyan ng packaging tape.

Doon na tinangay ng mga ito ang nasa P1 milyong halaga ng ari-arian at ang 2 vault na may laman na aabot sa P3 milyong cash.

SM food to go Banner Ad

“Ito po ang nakakapagtaka kasi dahil dire-diretso sila. Ibig sabihin, alam na alam nila ang bahay na pupuntahan nila, alam nila na may second floor,” ani Sebastian.

Naaresto ang apat sa mga suspek sa iba’t ibang lugar sa bayan ng Santa Maria sa Bulacan, Caloocan City at sa bayan ng Angono sa Rizal.

Nakuha naman ang cash na pinaghati-hatian ng mga suspek maging ang sasakyan at baril ng mga ito.

Sasampahan ng kaso ng pagnanakaw, illegal possession of firearms ang mga inarestong suspek habang patuloy ang manhunt sa ibang magnanakaw. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.