Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyanteng Chinese tinadtad ng mandurugas

0 78

Pagnanakaw ang pinaniniwalaang motibo sa pagpatay sa isang negosyanteng Chinese national na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang tindahan sa Batangas City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Chen Ling Ling, 34, may-asawa, negosyante. Ito ay natagpuang wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan sa loob ng kanyang tindahan sa New Market, Barangay Cuta, Batangas City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas City police, alas-5:00 ng madaling araw nang matuklasan ang krimen ni Roldan Logronio Yuga, helper ng biktima.

Magbubukas na sana ng tindahan si Yuga nang makitang duguan ang amo sa bandang cashier kaya agad tumawag sa pulisya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumalabas sa imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo ng hindi pa kilalang mga suspek.

Posibleng nanlaban ang biktima dahilan upang pagsasaksakin siya ng mga ito.

Sa ngayon ay tinitingnan na ng pulisya ang mga CCTV camera sa lugar para sa ikalilinaw ng krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.