Abante Tonite Interactive

Negosyo 101

318

Julius Segovia

julius-segoviaNagsimula akong magka-interes sa pagnenegosyo nang nag-change career ako.

Mula sa pagiging field reporter, nagtrabaho ako bilang head ng Corporate Communications ng isang local oil company.

Namulat ako sa pag-strategize at natuto sa pag-implement ng mga promo para mas lumakas ang isang gas station. Ito na rin marahil ang nag-udyok kaya isa na akong gas dealer ngayon.

Aminin man natin o hindi, mahirap kumilos nang walang pera. Mapapakamot ka na lang ng ulo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kapag nabaryahan ang isang libong piso mo, tiyak na maglalaho rin ito na parang bula. Kaya naman hindi maipagkakailang lahat tayo’y nagnanais na magkaroon ng sariling mapagkakakitaan o negosyo.

Sa pagnenegosyo, maraming dapat isaalang-alang para masigurong papatok ito sa panlasa ng mga consumer. Sa madaling salita, kailangan itong pagplanuhang maigi.

Narito ang ilan sa mga dapat nating alamin bago pasukin ang pagnenegosyo.

Una, dapat munang kilalanin ang sarili.­ Importanteng ‘motivated’­ kang magsimula ng business lalong lalo ang maglabas ng puhunan. Ang puhunan kasi ang tiyak na magiging pundasyon ng itatayong negosyo. Kaya dapat ding maging matalino sa paghawak ng budget upang mapanatili ang pundasyong ito.

Ikalawa, siguradu­hing may sapat na ideya sa itatayong negosyo.

Mahalagang may kaalaman ka sa produkto o serbisyo na iyong i-aalok. Alamin ang USP o unique selling point ng iyong produkto, dahil ito ang magsisilbing pang-engganyo sa mga mamimili. Bonus na rin kung magaling pa sa pagse-sales talk.

Ikatlo, kilalanin din ang iyong target market. Importanteng may background ka sa profile at demographics nila.

Ikaapat, magsimula muna sa maliit na negosyo. Marami ang naniniwala na ang mga negosyante ay risk-ta­kers. Pero sa totoo lang, ang matalinong negos­yante, controlled risks ang pinaiiral. Ibig sabihin, nagsisimula sa small scale at hindi agad sumusugal sa malakihang pagnenegosyo.

Ikalima, humingi ng tips sa mga negosyanteng may sapat nang karanasan sa pagnenegosyo. Puwedeng umattend ng mga industry conference dahil sa pamamagitan nito, magkakaroon din ng linkages o connections sa mga kapwa negosyante.

Huwag ding matakot na mag-explore sa mga bagong produkto. Ika nga nila, what’s profitable now, won’t necessarily be profitable next year or 10 years from now. Sa pagnenegosyo, dapat ding isaalang-a­lang ang demand ng isang produkto. Alamin kung kinakailangan ba ito sa kasalukuyan o hindi.

Ang sa akin lang – bukod sa sipag, tiyaga at diskarte, importante ring samahan ng dasal ang pagnenegosyo. Mas lalakas ang loob mo kung may gabay ka mula sa itaas. (with reports from John Alfred Esmilla)