Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyo online lumobo sa pandemya

0 62

Pumalo na sa mahigit 75,000 ang mga nagparehistrong online business ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

Inihayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pagdinig ng Kamara hinggil sa P20.162 bilyong panukalang budget ng kagawaran para sa 2021.

Sinabi ni Lopez na mula sa dating mahigit 1,700 na mga online business registrant noong Marso 15 ay mayroon nang mahigit 7,500 ang bilang nitong Setyembre 2.

Subalit hindi rin umano maiwasan na dumadagsa ang natatanggap nilang reklamong may kinalaman sa mga online business kaya kailangan din protektahan ang mga consumer. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.