Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Negosyo sapol `pag binalik quarantine sa biyahero

0 43

Kinontra ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang hirit ng Philippine College of Physicians (PCP) na ibalik ang pitong araw na quarantine para sa mga biyahero galing sa ibang bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na hindi na kailangan ang ganitong hakbang dahil halos lahat ng bansa sa buong mundo ay wala nang pitong araw na quarantine.

Mayroon aniyang mga patakarang pinaiiral ang bansa para sa mga dumarating na pasahero at ganito rin ang ipinatutupad sa Europe at Amerika.

SM food to go Banner Ad

“We don’t need to go back to the 7-day quarantine kasi wala pupunta dito. So babagsak uli ang tourism. Eh kababangon lang ng mga maliit na negosyante dito, na iyong negosyo ay nakasalalay dito sa tourism sector so we don’t need to go that extent,” ani Concepcion.

Nauna rito, hiniling ni Dr. Maricar Limpin ng PCP na dapat ipatupad ang 7-day mandatory quarantine para sa lahat ng biyahero dahil sa mga nakitang kaso ng COVID sub-variant sa ibang mga bansa na pinangangambahang makapasok sa Pilipinas.

Binigyang diin naman ni Concepcion na hindi bagong variant ng Omicron ang nakita sa mga turista sa Palawan at malakas na ang immunity ng mga Pilipino dahil marami na ang bakunado. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.