Abante Tonite Interactive

Negosyong hit ngayong tag-init

344

Julius Segovia

julius-segoviaIlang linggo na lang, bakasyon na sa mara­ming eskuwelahan. Mas may time na ang mga mommy at kids na mag-bonding.

Pero imbes na tumambay lang sa bahay, bakit hindi subukang magnegosyo? Mas magiging makabuluhan pa ang inyong summer break.

Ang summer, hindi lang bakasyon – kundi raket season din!
Sa halagang limang daang piso, puwede ka nang magsimula ng mapagkakakitaan. Una sa listahan ang palamig. Sa init ng panahon, sure akong patok na patok ang sago’t gulaman. Puwede ring buko o me­lon at iba pang flavored juices. Trip ng mga Pinoy ang ganitong klase ng pampa-cool ngayong maalinsangan ang panahon.

Related Posts

Kung magpupuwesto ka ng lamesa sa harap ng iyong bahay, puwede mo na ring samahan ng tusok business. Mura lang ang puhunan sa fishballs, kikiam at tokwa. Hindi ka gagastos ng tatlong daan, may supplies ka na. Nasa sauce ang sikreto n’yan para ma­ging mabenta. Kaya sarapan mo ang timpla para balik-balikan ka ng mga customer.

Dahil mainit, lahat ng malamig sure akong ‘in’ sa panlasa ng mga Pinoy. Kung may free­zer ka, puwede ka ring gumawa ng flavored ice candy o magtinda ng frosty. Mas nakakaeng­ganyo at mabenta sa mga bata kung iba-iba ang flavor at kulay nito.

Tutal walang pasok, puwede ka ring mag-declutter sa kuwarto mo. Alisin ang mga bagay na hindi na ginagamit. Baka mapakinabangan pa ito kung magbubukas ka ng garage sale. Kung hassle naman sa’yo na mag-put up ng ukay-ukay sa garahe n’yo, i-post na lang ito online at maghintay sa potential buyer.
Tiyakin mo lang na in good condition pa rin ang ibebenta mong items.

Kung pastime mo ang pagluluto, baka puwede kang mag-prepare ng healthy packed meal para sa mga nagda-diet. Sigurado akong mabenta ito lalo na sa mga ina-achieve na magkaroon ng beach body ngayong summer.

Ang sa akin lang, gawing mas makabuluhan ang iyong summer break. Higit sa lakwatsa na makabubutas lang ng iyong bulsa, mas importanteng mag-isip ng dagdag na mapagkakakitaan para may madudukot ka pagsapit ng rainy season.