Abante Tonite Interactive

Negosyong Pisonet

535

Masasabing ‘wired’ na talaga ang mga Filipino sa kasalukuyan. Gadget dito at internet doon. Mara­mi na ang takbuhan ay computer/internet shops para ma­ging ‘connected’ kaya naman magandang mapagkakakitaan ito lalo na kung napakaabot-kaya ng singil kada oras.

PisonetDito ngayon lamang ang mga Piso Internet o Pisonet. Magandang negosyo, sabi ng mga nagmamay-ari na ng ganitong kabuhayan. Kung interesado ring magbukas ng ganitong business ay read on lang at nang malaman kung paano magsimula.

• Mga kinakailangan: Pisonet machine set na nagkakahalaga ng P18,000-P25,000 at kinabibila­ngan ng mga sumusunod:

Desktop

Monitor

Mouse

Mousepad

Keyboard

Speaker/headset

• Sample computation ng kikitain (10 hours ­daily operation):

10 oras = 600 minuto

600 minuto / (4 minuto /P1) = P150/yunit

Kung may sampung (10) units ay puwedeng ­kumita ng:

P150 x 10 = P1,500 kada araw

P1,500 x 30 araw = P45,000 kada buwan

Kung ipagpapalagay na nasa P5,000 ang bill sa kuryente at internet connection, maaaring umabot sa P40,000 ang buwanang kita.

Advantageous ang ganitong business dahil ‘di kailangan ng malaking espasyo o maraming tauhan para magbantay nito. Makakapili ng Pisonet package na swak sa budget kaya naman makokontrol din kung ilang yunit ang nais ilagay sa shop na bubuksan.

Tandaang good and quality service pa rin ang babalik-balikan ng customers at dahil sa mga nabanggit ay madadagdagan na ng confidence na i-push ang Pisonet business na nais.

Good luck!