Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Neil, Rash umaming pumatol sa bading

0 417

Mildred A. Bacud: Nag-umpisa ang pamamayagpag ng mga BL series nitong pandemya. Mula BL serye sa Thailand, sinundan na ng Pilipinas sa dami nito. Pero sa dami ha, parang nagkapare -pareho na ang kuwento at iilan lamang ang matino. Mas marami raw ang basura.Pero kahit ganun, hindi pa rin tumitigil ang ilang producers na mag-produce ng ganitong pelikula.

Nang mag-guest nga ang young businessman na si Mannix Carancho sa Abante Tonite Live na Live, nabanggit niya na balak din niyang magproduce ng BL serye.Since may talent management din sila ni Amanda Salas siyempre ang kukuning bida ay mga alaga nilang Bidaman. Nakagawa na rin naman si Miko Gallardo ng BL serye na My Day kung saan nakapareha niya si Aki Torres.

Sa akin lang mga ka- cuatros mas magkakainteres siguro ang viewers kung ang bibida talaga sa BL series na ‘yan ay mga artistang kilala na.

ROMMEL PLACENTE:Tuloy-tuloy ang paggawa ng BL series ha!Usong-uso talaga ito ngayon.At naisalin na rin ito sa pelikula na ang huli nga ay ang Hello Strangers The Movie, na pinagbidahan nina JC Alcantara at Tony Labrusca. Ka-Cuatros Mildred kilala si Tony kaya nag-click ang serye nila. Sina Jerome Ponce at Teejay Marquez gumawa na rin ng BL serye at nasa season 2 na ngayon.

Hindi naman lahat nameless ang cast.

Si Kid Yambao na member ng Hashtags, ay pinasok na rin ang paggawa ng BL series . Katambal niya si Axel Torres via Diving Into Love. So, ibig sabihin,handa na si Kid na makipaghalikan kay Axel? Napanood na namin ang trailer nito at may chemistry ang dalawa, ha! Ang cute nilang tingnan habang naghaharutan at naglalambingan sa tabing dagat Sana lang ay maganda ang BL series nila,hindi basura ang dating gaya ng ibang BL serye na napanood namin.

Sa tingin ko naman mga ka-Cuatros,ay maganda ito. Kung hindi kasi,ay hindi ito tatanggapin ni Ogie Diaz,na manager ni Kid. At sa paggawa ng BL series ni Kid,siguradong mas maraming member ng third sex ang magpapantasya sa kanya.
RODEL FERNANDO: Talamak na talaga ang mga BL serye sa kamalayan ng Pinoy. Aba naman, kabi-kabila ang mga gumagawa at gustong magprodyus. Sabagay, maliit kasi ang puhunan at madali mabawi ang ROI. Hindi katulad sa paggawa ng indie o mainstream movie na sobrang mahal ang kapital .

SM food to go Banner Ad

Nakatutuwa naman na ang isa sa nanay-nanayan namin sa showboz na si Jojo Veloso ay go na rin sa paggawa ng ganitong mga palabas. Sa pamamagitan ng kaniyang Philmoda Productions at sa tulong ng alaga niyang si Fernando Sitjar ay ipapanganak ang kanilang BL serye na Jojowain o Totropahin? . Bida rito sina Neil Suarez ng Anak ng Macho Dancer at si Rash Flores na mula sa direksiyon ni Jimmy Belleza. In fairness sa dalawang barako na ito. Game daw sila sa hubaran at kahit ano ipagawa sa kanila. Nakakaloka rin ang pag-amin nila na nagkareleasyon na sila sa bading.

Bonggabels ang pag-amin nina Neil at Rash na kaya nilang magmahal ng bading na tulad sa isang babae. Sey nga ni Neil, mas masarap daw magmahal ang gay at ibinibigay nila ang lahat para lang lumigaya ang mga lalaki. Sabi pa ng dalawa sobrang laki raw ng respeto nila sa mga miyembro ng LGBT.

ROLDAN CASTRO: Bilib ako sa dalawa dahil hindi nila tinago ang kanilang nakaraan. Hindi nila tinago na may nakarelasyon silang gay.

Actually, naging emosyonal pa nga si Rash nang ikuwento niya ang kanyang buhay. Napaiyak siya sa mga pinagdaanan at 19 years bago nakita ang mga magulang. Last two years lang nang makita niya ang kanyang pamilya .

Aminado si Rash na nailang siya sa intimate scene nila ni Neil pero naitawid naman niya.

Biggest break ni Rash ang BL serye na ‘Jojowain o totropahin’.

Target nilang ipalabas ito sa March 5 sa Philmoda YouTube Channel. Kasama sa cast sina Pantene Palanca ng Baywalk Bodies,JM Cruz ,Lance Leano, Angeli Khang, Mystica Barata, Aica Veloso , Arabella Cuenca, Victor Rosales, Aerol Bren Carmelo, Richard Trinidad at Ferdie Kojim. Pampasaya rin ang Vaklang Kanals,” led by band singer, Joshua Buendia with Angge Reyes, Dave Arquiza at Anthony Hernandez.

“Right Time” ang theme song ng ‘Jojowain o totropahin’. composed and sang by Romcel Brinquis of the Bratboys. “Vaklang Kanals,” led by band singer, Joshua Buendia with Angge Reyes, Dave Arquiza & Anthony Hernandez.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.