Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nelson gold sa California

0 177

Sumibat si Filipino-Canadian Shiloh Corrales Nelson ng 50.50 meters meters upang masakote ang gold sa women’s hammer throw sa Chris Rinne Twilight Meet noong April 2 sa Riverside, California.

Naghagis din ang 5-9 ang taas at tubong Burnaby, Canada ng personal best 12.75m para mag-silver medal sa likod ng 12.89m ni Fin Jordan ng Montana State University sa shot put, at bumato ng 40.82m sa pagpang-apat sa discus throw.

Mino-monitor ng Philippine Athletics Track and Field Association si Nelson kung uubrang maisama sa national team para sa 31st Southeast Asian Games 20201 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

Siya ay nakababatang kapatid ni Zion Coralles Nelson, miyembro ng PH women’s 4x100m na nag-silver sa 2019 PH SEA Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.