Abante Tonite Interactive

Nene Abello papalag sa 2018 World Pitmasters 9-Stag

622

Naging bukambibig ko na rin ang Nene Abello noong bata pa ako, madalas kong sinisigaw, kapag dumadayo ako ng bitaw na, “Nene Abello ‘yan!” Lalo na kapag kumikiskis ang manok ko, paikot latigo kapag showtime ‘yung binibitaw ko.

Taong 1992, biglang pumutok ang pangalan ni Nene Abello at nga­yon ay isa siya sa mga respetadong Gamefowl Breeder at kampeon sa mga malalaking derby.

Sa nalalapit na 2018 World PitMasters Cup Master Breeders Edition 9-Stag International Derby masisilayan natin si idol Nene Abello na ibabandera ang RGA Gamefarm.

Sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila ang sultada kaya mga klasmeyt magtrabisya tayo doon, Setyembre 20 ang simula ng bakbakan.

***
Kahapon sa 2018 A-Cup 2nd Leg 8-Stag derby 3-Stag eliminations sa New Davao Matina Gallera madali mong masusundan ang regla ng laban, sa unang 20 sultada, kumadena ng panalo ang gawing Meron, may 14 na Meron ang nanalo laban sa limang Wala at isang Tabla.

***
Mga klasmeyt ma­gagamit na ang Abante/TnT/Tonite Studio kaya sa mga gustong ma-feature o magkaroon ng exposure­, PM lang ka­yo sa Facebook ko type ninyo name ko makikita ninyo agad ang FB account ko.

Kapag may pa-derby kayo o gusto ninyong ipakilala ang farm ninyo, puwede mga kasabong.