Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene ginapang ng BFF ni itay

0 146

Nahaharap sa kasong rape at child abuse ang 22-anyos na lalaki matapos nitong pagsamantalahan ang menor de edad na anak ng kanyang kumpare sa Sto Tomas, Batangas.

Nitong Martes ng hapon ay inaresto rin ng mga pulis ang suspek na si Jason Rabo, may-asawa, taga-Barangay San Juan matapos ireklamo ng magulang ng bata sa Tanauan City police station.

Sa report ng Tanauan City police, nangyari ang panggagahasa sa 11-anyos na batang babae ala-1:00 ng madaling araw sa damuhan malapit sa bahay ng biktima.

Matapos mairaos ang makamundong pagnanasa, binigyan ng suspek ng 50 pesos ang bata at saka pinauwi.

Nadiskubre ang pangyayari nang mapansin ng ina ng bata ang kakaibang kilos nito at kalaunan ay umamin na ginalaw umano siya ng suspek.

Napag-alaman na matalik na magkaibign at magbarkada ang suspek at ang tatay ng bata. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.