Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene hinalay ng trike driver

0 103

HIMAS rehas ang isang tricycle driver matapos itong ireklamo ng pangmomolestya ng isang dalagita sa San Carlos City, Pangasinan noong Martes.

Kinilala ni San Carlos City Police Station commander P/Lt. Col Franklin Ortiz ang suspek na si Dennis Gonzales, ng Barangay Rizal.

Sinabi ni Ortis, sa bisa ng arrest warrant, nasakote si Gonzales dahil sa kasong act of lasciviousness.

Nagsampa ng reklamo ang kaanak ng biktima noong October laban sa suspek.

Nangyari ang pangmomolestiya ni Gonzales kay Grace sa isang lamayan sa Barangay Rizal.

Napag-alaman na mayroon nang kaparehong kaso ang suspek noong 2017 ngunit nakalaya ito matapos magpiyansa. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.