Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene ni-rape ng 92-anyos

0 65

Arestado ang isang 92-anyos na lalaki na umano’y nanggahasa ng menor de edad sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Hindi na idinetalye ng Philippine National Police ang insidente pero nasampahan na umano ang matanda ng dalawang bilang ng kasong statutory rape by sexual assault.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kilala umano ang suspek sa kanilang lugar bilang “Lolo Anghel”, na dinakip sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 47 sa Puerto Princesa City noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nakakulong na ang suspek sa Aborlan Municipal Police Station sa Palawan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.