Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene niluray, hubad na larawan kinalat online

0 71

Dinampot ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki sa Paniqui, Tarlac kamakailan matapos itong ireklamo ng panggagahasa at pagpapakalat ng mga hubad na larawan ng isang babaeng menor de edad.

Hindi na inilabas ng Tarlac police ang pagkakakilanlan ng suspek, na naaresto noong Abril 28 sa isang entrapment operation.

SM food to go Banner Ad

Ikinasa umano ang operasyon laban sa suspek nang ireklamo siya ng kanyang biktima na pinapakalat ang kanyang mga nude photo online.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong rape, grave coercion, at paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.