Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene niluray na, tinodas pa sa sakal

0 443

Kalunos-lunos ang kamatayang sinapit ng isang 6-anyos na batang babae matapos itong halayin at patayin ng isang construction worker sa Bauan, Batangas.

Sa report ng Bauan police, natagpuan noong Biyernes ang bangkay ng biktimang si Angel Caguete na walang saplot at nakagapos ng pinagpunit-punit na blouse nito ang paa at kamay sa magubat na lugar sa Barangay Sta. Maria.

Nakapulupot naman sa leeg nito ang pinunit din na maong short nito.

Ang biktima ay nawawala pa mula noong January 24.

Noong Sabado, naaresto naman ng mga tauhan ng Bauan police ang suspek na si Joefel Maranan, 23, construction worker at kapitbahay ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inamin nito ang krimen na kanya umanong nagawa dahil sa kalasingan at humingi ng tawad sa magulang at kaanak ng biktima.

Sumama umano sa kanya ang bata patungo sa lugar ng krimen matapos niya itong yayain na mangunguha sila ng prutas na sineguelas.

Doon na niya umano pinagsamantalahan ang bata na kanyang iginapos muna.

Sa takot na magsumbong ang bata, sinakal niya umano ito hanggang sa mapatay.

“Iyon ay buhay pa, baka po magsumbong kaya duon ako natakot, kaya pinagtatali ko siya at sinakal. Ang paningin ko ay dumilim, yung isip ko ay lumipad kaya nagawa ko yun” ayon sa suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.