Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene niluray ng ka-FB

0 100

Pinosasan ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa umano’y panghahalay niya sa isang babaeng menor de edad.

Batay sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), nagkakilala ang suspek at 12-anyos na biktima dahil sa pagcha-chat sa social media.

Ayon sa ulat, nagpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na bibili sa tindahan pero nagyaya umano ang suspek na mag-eyeball sila sa bahay ng tropa nito na nauwi sa inuman.

Giit naman ng suspek, nagpakilala raw ang menor de edad na 16 taong gulang na siya.

SM food to go Banner Ad

“Siya ang nagyaya na magsama kami sa kuwarto. Tapos siya rin ang nagsabi na patayin ko ang ilaw bago matulog. Nagulat ako na niyakap niya ako tapos hinalikan ako,” kuwento ng suspek.

Hindi naman kinagat ng NBI ang katwiran ng lalaki.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang suspek habang umaarangkada pa ang imbestigasyon kung kakasuhan din ang mga kabarkada nito. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.