Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene sinako, binitin ni itay

0 99

ARESTADO ang isang lalaki sa Cagayan de Oro City nang ilagay ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae sa isang sako at saka isabit.

Sa report, ginawa ito ng suspek nang putulan ng bata ang isang bonsai.

Sinubukang manghimasok ng mga kapitbahay pero may hawak itong kutsilyo at binantaan niya na papatayin sinuman ang manghihimasok.

Pinakawalan naman ang batang babae sa sako nang dumating na ang pulis.

“‘Yung bata kahapon, na-rescue namin tapos ‘yung suspect naaresto with the help of the SWAT team,” ayon sa pulis. Hindi naman ito kinilala.

Wala namang ibang ibinigay pang detalye ang pulisya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.