Abante Tonite Interactive

Nene tinamaan ng ligaw na bala sa leeg

151

Kritikal ngayon ang isang 6-anyos na batang babae matapos umano itong tamaan na ligaw na bala sa kanang leeg sa Muntinlupa City, Huwebes ng hapon.

Nakaratay ngayon sa Muntinlupa City Medical Center ang biktimang si Lucille Villena y Conwi, ng #28 Ilaya St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod sanhi ng tinamong bala sa kanang leeg.

Sa report ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police, alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Brgy. Poblacion.

Bago ang insidente, kasalukuyang naglalaro ang bata sa harap ng kanilang bahay nang maramdamang masakit ang kanan nitong leeg.

Umuwing umiiyak ang biktima at dito na nakita ng kanyang lolo na si Leonardo Ruy, 60, na dumudugo ang leeg ng apo.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng masusing­ imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente. (Armida Rico)