Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nene todas sa nag-overheat na cellphone

0 106

Isang 7-anyos na babae ang naiulat na nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Lupon, Davao Oriental noong Biyernes.

Sa report, nangyari ang insidente ganap na alas-3:00 ng madaling-araw, sa Barangay Don Mariano Marcos.

SM food to go Banner Ad

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nag-ugat ang sunog sa nag-overheat ng cellphone na naiwang naka-charge.
Maliban sa nasawing bata, dalawang senior citizen din ang naiulat na nasugatan habang nasa limang bahay ang nadilaan din ng apoy.

Tinataya namang P250,000 ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.