Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nepomniachtchi hari sa Candidates

0 157

Umiskor si Grandmaster Ian Alexandrovich Nepomniachtchi ng Russia ng krusyal na draw kay GM Maxime Vachier-Lagrave ng France upang pagharian ang 2020-21 World Chess Federation Candidates Tournament Lunes sa Hyatt Regency Hotel sa Yekaterinburg, Russia.

Ang tagumpay ang nagtulak sa 30 anyos na woodpusher para maging world challenger kay reigning world men’s titlist Magnus Carlsen ng Norway sa Word Chess Championship 14-round matches nila sa Dubai, United Arab Emirates sa November 24-December 16.

SM food to go Banner Ad

Tumabla si Nepomniachtchi kay Lagrave para sa 8.5 points, habang bumalandra ang mahigpit niyang karibal na si Dutch GM Anish Giri (7.5) kay Russian GM Alexander Grischuk. Kahit matalo si Nepomniachtchi at manalo si Giri sa 14th and final final round Martes, ang Ruso pa rin ang magkakampeon via tiebreak dahil pinisak si Giri sa first round. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.