Abante Tonite Interactive

Ner: eSports wala pang accreditation

0 148

Huling araw ngayon para sa itinakda ng Team Pilipinas Chef-de-Mission na deadline ng pagsusumite ng mga national sports association (NSA) sa kanilang listahan ng isasabak na mga national athlete sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Pero may apat na sports pa rin ang ‘di nakakapagsumite para sa kanilang accreditation.

Ayon kay Team Pilipinas Secretariat head Liza Ner nitong Miyerkoles, ang apat na sports ay ang basketball 5×5, eSports, football at skateboarding.
“Kailangan namin na makuha ang kanilang listahan ng mga player dahil kailangang na masukatan ng gagamiting parade at competition uniforms.

Kahit iyung buong pool nila ay puwede na nilang i-submit dahil kung sino lang naman ang nasa final lists o iyung sasali na sa competition natin ay agad maibibigay ang uniforms,” litanya ni Ner.

Una nang isinumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 3×3 lineup habang wala pa para sa 5×5 o sa Gilas Pilipinas.

Huling nilalabas ang listahan ng bumubuo sa basketball squad sa team manager’s meeting isang araw bago magsimula ang kompetisyon.

Kasalukuyang binubuo pa lang ng football ang isisipa na dapat under 23 squad.

Inaasahan naman na isusumite ng Skateboar-ding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) ang pangalan ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal kahit kulang pa rin ang listahan nito ng mga atleta para sa Park, Downhill at Game of Skate. (Lito Oredo)