Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Net 25 isasabong sa GMA, A2Z, TV5

0 274

MILDRED BACUD:Nakakatuwa naman na sa panahon na sinasabing nawala na ang kulay ng telebisyon dahil sa pagsasara ng ABS -CBN sa free TV, timing naman na nag step up ang ibang networks tulad ng rebranding ng Net 25 na nadagdagan ang entertainment shows.

Sabi nga ni Anjo Yllana sa aming interview, Eagle Broadcasting Network is not exclusive for INC only. Kaya naman kapansin- pansin ang mga bagong artista nila tulad nina Vina Morales, Robin Padilla, Marcelito Pomoy at marami pang iba na hindi naman Kapatid. Ang nakakatuwa din ay ang pagbibigay nila ng trabaho sa mga artistang matagal ng hindi visible sa showbiz like Joy Cancio and Mia Pangyarihan ng Sexbomb, Joshua Zamora, Wowie de Guzman at Viva Hotbabes na sina Zara Lopez, JC Parker at Jennifer Lee.

Ang nakakataba ng puso ay ang pag-acknowledge ng Net 25 sa entertainment media. Para nga mairaos ang kanilang grand presscon via ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ .Pina-rapid test nila ang mga press people para lang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Take note, they have big stars na rin. Ibig sabihin ay keri nilang mag-pay ng malalaking talent fees.

Hindi nga ba’t mas pinili nga ni Vina ang tumawid sa bakuran ng Net 25 kesa manatili sa Kapamilya network?

RODEL FERNANDO: Bonggacious talaga ang Net 25 sa pagmamahal sa entertainment press sa kanilang pa-ayuda. Ngayong panahon ng pandemya ay sobrang na-appreciate ng mga kasamahan natin sa panulat na karamihan ay nabawasan ng trabaho.

Nababanggit tuloy ang isang network na tila nakakalimot na sa press sa dami ng kinikita ng kanilang kumpanya.

Siya nga pala, bongga rin ang mga existing at nakalinyang shows ng network. Bukod sa matagal at matatag ng show ni Gladys Reyes na Moments, umaariba na rin ang Unlad program ni Robin Padilla. Dumagdag pa rito ang “Kesayasaya!” ni Vina Morales at ‘ Himig ng Lahi’ nina Pilita Corrales at Darius Razon. Hindi rin pakakabog ang pinag-uusapan ngayong noontime show na Happy Time nina Janno Gibbs, Kitkat at Anjo Yllana. Pati na rin ang Tagisan ng Galing na si Ruru Madrid ang host.

ROMMEL PLACENTE: Bongga ang Net 25.Nakikipagsabayan na sila at nakikipagsalpukan sa GMA 7, A2Z at TV5.

Nagbibigay na sila ng magaganda, entertaining, informative at makabuluhang shows sa kanilang mga televiewer.

SM food to go Banner Ad

Kumpletos rekados kumbaga ang ino- offer nila ngayon.Hayan nga’t for the first time ay magkakaroon sila ng romantic drama series na bida sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio via Ang Daigdig Ko’y Ikaw. Mapapanood na ito simula sa November 28, every Saturday at 8pm.

Itong November din mapapanood ang P.A.R.A.K, na isang docudrama starring Victor Neri.

Bukod sa mga bagong show na ito, ang ilan pa sa shows ng Net,25 ay ang Letters & Music na isa ring musical show, na napapanood naman mula Lunes hanggang Biyernes,8:00 pm,Mata Ng Agila, na isang news program, 6:00pm

Sa magagandang shows na ito ng Net 25, sana ay kilalanin na rin sila bilang isang malaking network, at hindi lang ang ABS CBN at GMA 7.

ROLDAN CASTRO:Walang network war sa Net 25.Lahat ay puwedeng mag-guest kahit Kapatid, Kapamilya o Kapuso.

“Chill lang kami po.Happy lang kaya kahit mga stars ng ibang channel guest namin lagi. Pinagpo-promote pa naming,” sambit ni Kitkat.

“Si Aljur Abrenica guest namin (Happy Time). Ako guest sa GMA next week.Basta may work everybody happy,” dagdag pa niya.

Samantala natutuwa rin ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez dahil maraming trabaho ang nabibigyan ng Net 25. Pasok din ang ilang kasamahan niya na sina Jaycee Parker at Jennifer Lee.

Hindi lang si Zara ang kasama sa Season 2 ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw” kundi pati sina Meg Imperial at Fabio Ide.

“Si Jen Lee po sa P.A.R.A.K. Then Jaycee sa game show with Marcelito Pomoy.Madami po silang shows ngayon. Nakakatuwa kasi tinutulungan nila ang mga artista na makabawi at makabangon,” deklara pa ni Zara.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.