Abante Tonite Interactive

Netflix hitik ng karahasan, kalaswaan

369

Panahon na umano para bumalangkas ng batas ang Kongreso para mabantayan at ma-regulate ang mga tinatawag na ‘Over the Top” OTT media platform na ­hitik ng malalaswa at marahas na eksena na madaling ma-access sa pamamagitan ng internet.

Sa plenary deliberation noong nakaraang linggo kaugnay ng P38.838 milyong budget ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa 2020, tinanong ni House Minority Floor Leader Bienvenido ‘Benny’ Abante si Appropriation panel vice chairman at Quezon City Rep. Alfred Vargas kung saklaw ng MTRCB ang OTT platform gaya ng Netflix at ibang streamline sites dahil marami sa mga ito ay nagpapalabas ng mga hindi akmang panoorin.

Plano ni Abante na ­bumalangkas ng isang panukala na ­mag-aamenda sa MTRCB charter upang ­magkaroon ng censorship powers nang sa gayon ay maalis ang mga ‘immoral ang bad taste contents,” sa mga online streaming. (JC ­Cahinhinan)