Abante Tonite Interactive

Netizen kay Ogunsanya: Sagad mo pa bebe ko!

343

Hindi lang ang kanyang team ang pumuri sa kabayanihan ni Aduke Christine Ogunsanya tapos giyahan ang La Salle Lady Spikers via straight sets triumph kontra UE Red Lady Warriors, 25-17, 25-16, 25-19, nitong Miyerkoles sa UAAP Season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pati mga netizen, sa binandang galing ng veteran spiker.

Sey ni @ayscindyyy sa Twitter, “sige mamsh! ang cute HAHAHAHAHAH congrats team! congrats to our POG Aduke Ogunsanya!!! #LevelUpLaSalle.”

Nag-tweet naman si @slaymichcobb ng “POG: Aduke Ogunsanya, yeey you deserve it dukeee! #LevelUpLaSalle.”

Pahabol ni @chinky_pie, “sagad2X Ogunsanya bala! hehe it’s ur time to shine!”

Masaya naman si Ogunsanya dahil natulungan niya ang koponan sa panalo.
“Siyempre dapat ‘yung intensity na ibinigay namin sa game na ito, dapat magtuloy-tuloy lang. It’s our last games sa eliminations. We have to have that fighting spirit sa loob ng court at killer instinct na dapat kami mismo (ang gumawa),” litanya niya.

Kuha na ng Ateneo (11-2) ang unang twice-to-beat edge tapos muli ring itumba ang Adamson lady Falcons 25-16, 28-26, 25-17,habang agawan pa sa second twice-to-beat bonus ang DLSU (10-3) at Sto. Tomas Golden Tigresses (9-4), nasa fourth spot ang FEU (8-5).(Janiel Abby Toralba)