Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Netizen nanghinayang: Alfred tsugi agad

0 327

NI: ROLDAN CASTRO

Bagamat guest lang si Alfred Vargas ay markado ang kanyang role sa Legal Wives.

“Unang-una, I’m very proud to be part of such a beautiful and important project. Natuwa ako na I get to act again kaya I really worked hard on my role as Nasser Makadatu.

“Every role naman is a unique experience. Preparing for a role is always challenging and acting is always a fun experience. GMA network has always given me meaningful roles. Gustong-gusto ko yung mga roles that inspire while challenging my craft. I think that’s what I love about being an actor,” deklara ng aktor.

Pinag-usapan ang mga eksena ni Alfred sa nasabing serye.

SM food to go Banner Ad

“Actually, nagulat ako. Akala ko hindi mapapansin na nagbalik- TV ako pero nagustuhan nila. Maraming nga ang nanghinayang kasi namatay agad ang character ko. It was a guest role. Short and meaty and sweet. At this point in my career, it’s really fulfilling na they still appreciate the effort I put into my craft,” lahad pa niya.

Hindi maitatatwa na hindi rin kayang iwan ni Alfred ang showbiz kahit nasa mundo siya ng politika.

“ Acting will always be my passion, it’s my first love. But I knew that I was destined to be in public service. It’s my vocation. Simple lang naman ang reason kung bakit ako artista at kung bakit ako public servant. In both fields, I just want to inspire people in my own unique way. In that sense, I can create positive change. That’s my personal mission.

“When I chose to serve, I already embraced serving as part of my life. Kaya I can’t really accept roles that require prolonged stay sa lock-in taping. Siyempre hindi pwedeng maapektuhan ang paglilingkod ko sa tao. Public service is my utmost priority. Pero pag maayos ang latag ng schedules, pag maganda at substantial ang role, walang conflict. Acting and public service are already engraved in my heart. Hindi na siya trabaho para sa akin. I am blessed to have the opportunity to be in both fields,” sambit pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.