Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nets pinagmulta ng P1.2M

0 266

Pinagmulta ng $25,000 (P1.2M) ang Brooklyn Nets dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan hinggil sa injury reporting.

“The NBA today announced that the Brooklyn Nets have been fined $25,000 for failing to comply with league policies governing injury reporting,” anang US major basketball league nitong Huwebes.

Hindi malinaw sa release kung alin sa injuries ng Nets ang nagkaroon ng violation.

Sa restart ng liga sa Orlando, nasa injury list ng Brooklyn sina Caris LeVert, Joe Harris, Jarrett Allen, Jamal Crawford at Rodions Kurucs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.