Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nets sisiklab sa Big 3

0 225

Namumusyaw ang ‘Big 3’ ng ibang teams kung ikukumpara sa Brooklyn.

‘Yun ay kung buo sa court sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.

Bilang sa daliri – walong outings lang – na napagsabay-sabay ni coach Steve Nash ang tatlo mula January nang malambat ng Nets si Harden buhat Houston.

Kahit sa clutch, taranta ang kalaban kung sino sa tatlo ang titira ng final shot.

May facilitator kay Harden, atake kay Irving at last-second attempt kay Durant. Puwede pang i-rambol.

Mula sa stats ng NBA.com, nag-poste ang tatlo ng 119.6 points per 100 possessions na magkakasabay sa loob.

Nakakapaglista sila ng combined 78.4 points, 22.5 assists at halos 8 3-pointers bawat laro.

Paborito pa ang Nets na pumalaot sa East hanggang Finals noong 2020-21, nadiskaril lang ng Milwaukee sa dulo.

‘Wag lang muling pitikin ng malas mula injury, liyamado muli ang Brooklyn sa 2021-22.

Nakarekober na si Durant mula Achilles surgery patunay ang MVP-performance niya nang akayin ang Team USA sa gold medal sa Tokyo Olympics. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.