Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Neuro test hinirit sa PNP kada taon

0 271

NAPAPANAHON nang isailalim sa regular na neuropsychiatric test ang mga miyembro ng Philippine National Police, ayon sa dating hepe nito at ngayoy Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Itoy kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may “topak” o sakit sa pag-iisip ang pulis na pumatay sa mag-inang kapitbahay sa Tarlac sa gitna ng alitan.

Sinabi pa ni Dela Rosa, na nagsilbing hepe ng PNP mula 2016 hanggang 2018, base sa kanyang experience, accurate ang neuropsychiatric test sa kanilang hanay.

Iyon nga lang, ginagawa lang ito sa mga nag-a-apply na maging pulis at sa proseso ng promotion.

Sinabi ng senador, mainam na gawin ito kada taon dahil posible aniyang magbago ang pag-uugali ng isang pulis habang nasa serbisyo.

“Maasahan iyan. Ang kailangan lang, gawin iyang regular,” sinabi ni Dela Rosa. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.