Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Neuro test sa mga pulis kada 3 taon

0 215

Irerekomenda ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang kada tatlong taon na neuropsychiatric (NP) test sa lahat ng pulis bilang pagbabantay sa kanilang mental at emotional stability.

“Ngayon kasi ang NP test natin, sa recruitment lang, requirements of promotion, requirement din sa mandatory schooling natin. Ngayon, we are contemplating na gawing every three years, may mandatory test tayo,” pahayag ni Eleazar.

SM food to go Banner Ad

Pag-uusapan umano nila ito ng PNP Health Service director upang makagawa ng pinakamagandang solusyon hinggil sa nasabing plano.

Bunsod na rin ito ng insidente ng pamamaslang na kinasangkutan ni Master Sergeant Hensie Zinampan na binaril ang 52-anyos na si Lilybeth Valdez sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City noong Mayo 31. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.