Abante Tonite Interactive

‘Never na humingi ng tawad si Daniel’ – Erich

By
2,462

OBVIOUS namang umiiwas noong nakaraang presscon para sa one of the winners of MMFF na Siargao na si Erich Gonzales na hangga’t maaari, na pag-usapan pa kung anuman ang nangyari sa nakaraang lovelife niya o anumang isyung pinagdaanan o ina-associate sa kanya.

Pero sa naging guesting ni Erich sa Tonight with Boy Abunda, which of course, we all know how Kuya Boy can actually make the celebrities to talk, ‘yun na nga, naitanong ni Kuya Boy kay Erich ang nakaraang break-up nila ni Daniel Matsunaga.

Ayon kay Erich, pinatawad na raw niya ang ex-boyfriend kahit na never naman itong humingi ng tawad sa kanya.

“Ako po Tito Boy, he didn’t ask for forgiveness pero I’ve forgiven him na. And honestly, kung ako po ang tatanungin, I don’t even wanna talk about it kasi parang it’s all in the past. And I live in the now. ‘Yung present po, ‘yung future.”

Binigyang-diin din ni Erich na tapos na, period na ang chapter ng buhay niya na ‘yun with Daniel. Aniya, “Tapos na po ‘yung chapter na ‘yun sa buhay ko. I just wanna move on, move forward and life goes on.” ()