Abante Tonite Interactive

New male TV personality malansa

659

Guwapo at matipuno ang isang new male TV personality. Madalas napapanood ngayon sa telebisyon. Pero may mga kasapi sa federacion ang nalalansahan sa kanya. No, hindi siya malansa literally. In fact, mabango siya. Pero may naamoy sila na parang hindi siya tunay na lalaki at mukhang itinatago lang niya ang kanyang sariling identity.

“Eh aminin na natin mga sister, amoy na amoy natin kung sino ang nagpapanggap na lalaki. Kahit na hindi siya tumitili pero nungkang malilinlang tayo, it takes one to know one. Pero in fairness ang lola mo, guwapo talaga at may kahawig na sikat na Hollywood star,” sabi nito.

“Pero sana mali ako sa aking naamoy pero hindi eh, ilang dekada na ako sa showbiz at unang kita ko pa lang sa isang lalaki, kahit i-modulate pa niya ang kanyang boses, kahit singtigas ng bato pa ang kanyang braso’t dibdib, hindi ako nagmintis, ang bakla ay bakla ay bakla,” pagpapatuloy ng isang mahaderang showbiz insider.

Hmmm… sino si new male TV personality?

Guwapo at mestiso siya. Hilig talaga niyang umarte kaya lang ngayon lang siya nabigyan ng break.

(Timmy Basil)