Abante Tonite
Mabilis sa Balita

New normal sa Oktubre

0 416

Inaasahang magli-level up na sa `new normal’ ang ilang lugar sa bansa na COVID-free o walang naitalang kaso ng virus sa nakalipas na buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na personal niyang iminungkahi sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagdedeklara ng `new normal’ status na sinang-ayunan naman umano ng mga miyembro nito.

Pero sinabi ng kalihim na ibabatay pa rin sa mga datos at siyensiya ang mungkahi bago ito pagpasyahan ng IATF.

Sa ilalim ng `new normal’, luluwagan ang mga pinaiiral na paghihigpit para makaiwas sa COVID-19 habang unti-unting bumabalik sa mga nakagawiang gawin bago ang ipinatupad na lockdown noong Marso. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.