Abante Tonite Interactive

New Year, new car gastos

MOTO RISTA

271

‘Yan ang saktong ganap sa service kong van ‘n only ngayon.

Gastos, gastos, gastos.

‘Yan ang nagaganap sa kasalukuyan sa aking sasakyan at sa iba pa riyan.

Nagkakahirapan nga ngayon sa katunayan ng mekaniko dahil halos lahat okupado.

Kung hindi maaga, hindi na maaasikaso ang sasakyan dahil pila talaga.

Sa mga casa ng brand new vehicles, ganu’n din. Kasi ganyan ang ganap kapag bagong taon, bagong maintenance check up bagong car man o brand new lalo na kapag ganyan katatapos ng tag-ulan.

At mistulang umuulan din talaga sa gastusan.

Unang nagparamdam ang upper arm, kinakapitan ito ng shock absorber sa kaliwang gulong sa harapan. Agikgik ang tunog niyan pati presyo sa pagpaayos.

Tag price: P5,000 spare parts. Labor: P1,500.

Mura pa ‘yan dahil sa Sto. Tomas, Batangas. Kapag sa Makati. Triple cost niyan lahat-lahat.

Isa pang isyu sa sasakyan: Alternator. Ito ang responsable sa pagbabalik ng battery power.
Cost of labor and parts: P3,000.

Matapos ’yan, master naman ng preno. Ito ‘yung mistulang hydrovac nakalagay sa may ilalim my manubela. May tagas na any brake fluid kung kailangan kumpunihin.

Tag price: P5,000 labor and parts.

Meron pa. May tagas din ang power steering sa bandang ilalim. Hindi siya sa mga power hose kundi sa mismong rack and pinion. Ito ‘yung runner sa ilalim sa pagpihit pakaliwa at pakanan ng manibela.

Korek! May tagas din. Complete assembly replacement: P11,000!

Sadyang mahirap magmantine ng sasakyan. Daig mo pa ang may isa o dalawang nagkokolehiyo.

Pero ganyan talaga. Masakit sa bulsa ngunit kailangan ang my service car sa negosyo.

To God be the glory!