Abante Tonite Interactive

New year, new job?

414

julius-segovia

Para sa marami, ngayong bagong taon ang pinakaangkop na panahon para maghanap ng bagong trabaho. Oo, para sa mga newly graduate na gusto ng fresh start ngayong 2019. Pero para sa mga may stable job, hinay-hinay muna. Ika nga, isanlibong beses munang mag-isip bago umalis sa kasalukuyang pinapasukan.

Sa kaso ko, bagong taon ako lumipat ng trabaho — mula sa TV network, nag-iba ako ng career path nang matanggap ako sa isang oil company bilang Corporate Communications Head. Suwerte kong maituturing ito. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, sasang-ayon sa’yo ang kapalaran.

Unang-una, mahirap maging jobless. Kaya bago ka mag-isip ng career move, tiyakin na may malilipatan. Main consideration mo dapat ang iyong finances. Hindi puwedeng basta ka na lang mag-ober da bakod nang walang kasi­guruhan.

Isipin mo rin na maraming kompanya ang nakapag-set na ng budget for the new fiscal year. Baka isa sa isi­nantabi nila ang pagkuha ng mga bagong empleyado. Kaya importanteng maglista muna ng mga kompanyang gustong lipatan.

Alamin kung may hiring at job posting ang mga ito.

Kung talagang ka­ting-kati na ang mga paa mo na lumipat ng trabaho, mahalagang i-update ang iyong resume habang naghahanap ng malilipatan. I-highlight ang credentials na posibleng makatulong sa bagong papasukan. I-market mo rin ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga networking site.

Kung matagal ka nang natengga sa paghahanap ng trabaho, ma­buting sanayin uli ang sarili na humarap sa would-be employer. Bukod sa maayos na pananamit, dapat alisto ka rin sa job interview. Ipakita mo sa hiring officer na swak ka sa hinahanap nila.

Ang sa akin lang, hindi porket new year, kailangan din ng bagong trabaho. Makuntento sa kung anong meron ka sa ngayon. Importanteng tumagal ka nang isa o higit pang taon sa iyong trabaho bago mo naising lumipat. Tandaan hindi birong maghanap ng trabaho.