Abante Tonite Interactive

New Year, New You

354

Kung meron ka ng New Year’s resolutions, kasama ba sa listahan mo ang pagbabago para sa sarili mo? Dapat. Dahil bago na ang taon kaya dapat ay bago na rin ang looks mo. Hindi naman sa paraan na kakailanganin mong gumastos ng mahal kundi sa paraan na mapapa-improve mo lang ang sarili mo. Dagdag ganda ika nga. Narito ang ilang tips na maaari mong subukan.

1. Kung gusto mo na mawala ang iyong eyebags, subukan mo ang tea bags. It’s either green or black tea bags, ilagay lang ito sa mainit na tubig for less than a mi­nute. Pagkatapos ay ilagay ito sa isang malinis na lalagyan at palamigin sa loob ng ref. Kapag ma­la­mig na ay ilagay lamang ang bawat isa sa iyong mga mata at hayaan ito hanggang sa lumipas ang 15 minuto.

2. Gumamit ng komportableng pillowcase. Ang magaspang na punda ng unan ay hindi nakakatulong para sa maganda mong mukha. Dapat ay malambot lamang ang iyong gagamitin upang ang iyong skin ay maging komportable hanggang sa iyong paggising. The more sleep you get, the more beauty you achieved.

3. Ang pag-inom ng isang basong buko araw-araw ay nakakatulong sa pagpapaganda ng iyong balat. Nagagawa nitong mapakinis ang iyong balat sa katawan lalo na sa iyong mukha.

4. Kung gusto mo naman ng isa pang natural na pagpapaganda at pagpapakinis ng iyong mukha ay maaari mong gamitin ang papaya. Ang papayang hinog mismo ay dudurugin mo lang at ipapahid mo directly sa iyong mukha. Ha­yaan itong nakababad sa mukha mo sa loob ng 30 minuto o kahit mahigit pa.

5. Isa pang maaari mong gawin para mapalutang mo ang ganda ng iyong mukha at kinis nito, kailangan mong magbawas ng matamis sa iyong mga kinakain, partikular ang asukal.

Ang asukal ang siyang pinakamalaking contributor ng inflammation na nakikita natin sa’ting skin bilang acne, wrinkles at pagkatuyot ng ating balat.