Abante Tonite Interactive

News blackout kina Paul-Barbie

By
4,993

Walang kumpirmasyon sa kampo ni Barbie Imperial kung sino ang nanakit sa kanya. Hindi rin nagsasalita si Paul Salas sa nasabing isyu.

Ang mga magulang nila ang nagpaparamdam lang sa nasabing kontrobersya.

Bagama’t ayaw magsalita ng mag-ex dyowa patuloy ang intriga na maghaharap na raw sa korte ang dalawa.

Mukhang malabong mangyari ‘yun dahil may ceasefire diumano sa dalawang kampo. May news blackout umano sa management ng dalawa.

Sa kabila nito, sino ba talaga ang nanakit kay Barbie? True ba na kakagawan rin ‘yun ng “Araw Gabi’ actress? Totoo bang pa-victim si Barbie?

May kinalaman ba si JM de Guzman sa gulong nangyayari sa dalawa? Itsi­nitsismis din na nagkakaigihan daw sina Barbie at JM. Anyway, ayaw sumawsaw ni JM sa gulo. Ayaw niyang mag-comment sa ‘bugbugan’ isyu.

Tanong ng bayan, sino ba talaga ang nakipaghiwalay? Sino ang gustong makipagbalikan sa dalawa? Sino ba talaga ang pisikal na sinaktan?

Anyway, magandang wala nang ‘patutsadahan’ sa magkabilang kampo. Hindi naman kailangan na makakuha ng simpatiya sa mag netizen at magkasiraan. Hindi nga dapat palakihin pa ang isyu dahil may pinagsamahan naman sina Barbie-Paul.