Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome bagong lider

0 197

Panibagong responsibilidad ang maaatang kay Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa April 9.

Ito ang kapasyahan ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting guard/forward.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I think Newsome can be a good point guard since we always get the ball in his hands, plus he’s our leader in assist last conference,” bigkas Biyernes ng Meralco coach.

Ang 30-year-old, 6-foot-2 Fil-Am dribbler ang No. 1 scorer din ng team sa average na 14.45 points at 4.36 assists sa 45th season 2020 PH Cup sa Pampanga bubble noong December.

Aminado si Black na mahirap na desisyon ang pakawalan si Amer na kasama ni Bryan Faundo na pinagpalit kay Rey Mark Belo sa Blackwater nitong Huwebes.(Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.