Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome, Black pipigain ng Bolts

0 175

Mas pipigain pa ni Meralco Bolts head coach Norman Black ang mga guwardiya niyang sina Chris Newsome, anak na si Aaron Black, Anjo Caram at Bong Quinto sa paglisan ng veteran playmaker na si John Nard Pinto.

Kamakalawa ay pumirma na ng tatlong taong kontrata ang 31-anyos na si Pinto sa Barangay Ginebra Gin Kings at inisnab ang offer ng Bolts na two-year extension.

Sa kabila nito, move on na si coach Norman at nagpapasalamat pa rin sa naging kontribusyon ni Pinto sa Meralco.

“We thank him (Pinto) for his service and we will move on with the remaining guys in the lineup,” sabi ni Black, na tinukoy sina Newsome, Aaron, Anjo at Bong bilang pangunahin niyang playmaker sa laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasalukuyan pa ring tigil ang mga aksiyon sa 2021 PBA Governors Cup na napurnada dahil sa muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa na mayroon nang Omicron variant.

“Nards (Pinto) exercised his right as an unrestricted free agent to move to the team of his choice under the rules and regulations of the PBA,” sabi pa ni Black.

“The Meralco team did make him an offer to stay with the team, but I imagine he decided to do what he thought was in his best interest.”

Kasalukuyang pangalawa sa team standings ang Meralco sa malinis na 2-0 kartada sa likod ng nangungunang Magnolia Hotshots (3-0). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.