Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome, Bolts papalag sa Game 2

0 58

Semis Game 2 ngayong Biyernes (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – SMB vs Meralco
6 pm – Magnolia vs TNT
*SMB, TNT lamang 1-0

Aminado si Luigi Trillo na nasagad ang Meralco mula dulo ng Philippine Basketball Association PH Cup eliminations hanggang quarterfinals kontra Ginebra na umabot sa deciding game.

Kaya tukod ang Bolts pagdating sa unang laro ng semis, sadsad sa San Miguel Beer 121-97 noong Miyerkoles.

“They were dominant today,” bungad ng losing coach paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum. “We played three games that were highly emotional, highly physical. That’s three games in five days.”

Nagsumite ng 17 points si Chris Banchero na 5 for 5 sa 3s, pero ang mga kadalasang pinanggagalingan ng puntos ng Bolts na sina Chris Newsome, Allein Maliksi at Alvin Pasaol ay 5 of 19 combined. Si Aaron Black ay 4 of 15 sa field.

Sa kabila, humaharabas sina CJ Perez (25 points), Rodney Brondial (20 points, 11 rebounds), Vic Manuel (16 pts). Si June Mar Fajardo na naka-29 minutes lang ay may 11 points, 6 rebounds, 5 assists.

“Not a guarantee but we can be better, we can give them a fight on Friday,” dagdag ni Trillo, pansamantalang humalili sa nakabakasyong coach na si Norman Black. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.