Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome, Eboña wow sa Oct. 19-26

0 86

Smart Clark Giga City – Naging ikalawang Cignal TV 45th Philippine Basketball Association Press Corps Player of the Week nitong Oct. 19-26 si Chris Newsome ng Meralco sa 2020 Philippine Cup bubble rito.

Ang all-around play ng 30-year-old Fil-Am veteran guard ang bumuhay sa mainit na Bolts mula sa mabagal na 1-2 start kung saan nag-average siya ng 20.5 points, 6.5 rebounds, 6. 0 assists at 1.5 blocks.

Napili naman ang promising rookie big man ng Alaska Milk na si Barkley Eboña na ikalawa ring PBAPC Rookie of the Week naman nang ibangon ang Aces mula sa 0-2 sa three-game average na 17.33 pts., 4.0 rebs., 1.3 asts., at 1.0 blk. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.