Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome, Meralco sinibak ang NLEX

0 54

Semis Game 1 sa Linggo: (DHVSU, Bacolor)

2 pm – Meralco vs Magnolia

4:35 pm – SMB vs TNT

Ipinagpag ng Meralco ang NLEX 97-86 sa do-or-die battle Biyernes ng gabi sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga para kumpletuhin ang cast ng 46th PBA 2021 Philippine Cup semifinals.

Namiyesta ng 23 points si Chris Newsome mula sa 8 of 31 shooting, may sahog pang 9 rebounds, 6 assists, 2 blocks at zero turnovers para ibalik sa final four ang Bolts.

Nasagad ang twice-to-beat ng No. 2 Meralco pero martsa rin para harapin ang No. 3 Magnolia Pambansang Manok sa best-of-seven series. Sa kabilang pairing toka ng top seed TNT ang No. 4 San Miguel Beer.

Nagdagdag ng 16 points at 6 assists si Anjo Caram, may 16 markers, 9 boards, 2 feeds, 2 steals at 1 block din si Cliff Hodge off the bench sa Bolts.

Dumistansiya hanggang 62-44 ang Meralco sa kaagahan ng third pero mula roon ay na-outscore 19-6 at naibaba ng Road Warriors sa 68-60 papasok ng fourth.

Binalikat ng 19 points ni Don Trollano ang NLEX. Nagsalansan ng 14 points si rookie Calvin Oftana sa first half pero hindi na umiskor. May 13 points si JR Quinahan.

Ang iskor:

Meralco 97 – Newsome 23, Caram 16, Hodge 16, Hugnatan 11, Quinto 9, Maliksi 8, Belo 7, Pinto 5, Almazan 2, Pasaol 0.

NLEX 86 – Trollano 19, Oftana 14, Quiñahan 13, Cruz 11, Alas 10, Semerad 8, Soyud 4, Paniamogan 3, Ighalo 2, Miranda 2. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.