Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Newsome, Meralco ungos vs Magnolia

0 60

Nagkatalo sa final 4 seconds, inatake ni Chris Newsome ang basket at bago naubos ng oras ay isinubo sa rim ang bola at inagawan ng Meralco ng panalo ang Magnolia 96-95 sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor, Pampanga Miyerkoles ng gabi.

Sinikwat ng Bolts ang 5-1 card sabay sa pagputol sa four-win start ng Hotshots sa PBA Philippine Cup elims.

Iwan ng 13 sa final 2 minutes ang Bolts, nagbaon ng magkasunod na 3s sina Mac Belo at Alvin Pasaol. Pagkatapos ng free throws ni Belo ay kumana ng isa pang tres si Newsome 94-93.

Natawagan ng 24-second violation ang Magnolia, mula sa timeout ay kinuha ni Newsome ang bola bago umatake.

Tumapos si Belo ng 22 points, may 18 points at 11 rebounds si Cliff Hodge sa Bolts. Nagdagdag ng 15 si Reynel Hugnatan at 14 kay Newsome.

SM food to go Banner Ad

Pito sa 16 turnovers ng Magnolia ay dumating sa fourth, tatlo sa final minute.

Sa second game, nagpakalat ng career-high 28 points si Juami Tingson para imaneho ang Terrafirma sa 110-104 overtime upset kontra San Miguel Beer.

Nabalaho hanggang 67-51 sa third quarter ang Dyip pero sinagasaan ang unang panalo sa panlimang subok.

Sa first game, kumalas sa third ang TNT (4-0) para ipagpag ang Blackwater (0-5) 96-76. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.