Abante Tonite Interactive

NFA chief mahangin, ‘di ma-KO sa puwesto — Chiz

By
1,080

Tila nasobrahan ng hangin sa ulo si National Food Autho­rity (NFA) administrator Jayson Aquino kaya’t umusbong ang problema sa kakapusan ng suplay sa bigas.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero makaraan anyang ma-knockout ni Aquino sina dating Cabinet Secretary Jun Evasco at Agriculture Secretary Manny Piñol.

Matatandaan anyang unang­ ipinamahala kay Evasco ang NFA Council subalit hindi ito nakasundo ni Aquino kaya’t sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ngayon ay hindi rin makasundo ng administrador si Piñol.

Abante Hiring – IT dep

Hindi na dapat magturuan ng sisi dahil lahat naman sila ay may kasalanan aniya sa nangyaring krisis.

“Tila may problema sa pakikipag-coordinate o nasobrahan ng hangin itong si Aquino dahil wala siyang makasundo,” diin ni Escudero.

Subalit kung pag-aaralan, malinaw na si Aquino ang pa­ngunahing salarin dahil hindi ginampanan nang maa­yos ang kanyang trabaho.

“Sya (Aquino) naman talaga ang pangunahing salarin dito. Sa nadiskubre ng Kamara, yung pondong ibinigay para ibili ng suplay ng bigas, ibinayad nya sa utang ng NFA, ‘bat mo unang babayaran samantalang ang specific provision gamitin bumili ng buffer stock,” paliwanag ni Escudero.

Malinaw aniya itong pasok sa kasong technical malversation of public funds. 

“Ang tanong bakit nya ginawa, mahina lang ba ang utak nya? May pakinabang ba siya? Kung may lohika hindi mo dapat gagawin,” dagdag pa ng senador.

“Marami na napu-frustrate, marami na humihiling na sibakin at kasuhan pero mananatili siya hangga’t may kumpiyansa ang pangulo. Hindi ko alam nakaka dalawang round na itong si Aquino pero nakatayo pa rin siya at na knock-out nya ang dalawa,” diin pa ng mambabatas.