Abante Tonite Interactive

NFA, DTI kinuyog sa umalsang presyo ng bigas sa Zambo

By ,
214

Kinuyog ng mga mambabatas ang National Food Authority (NFA) at Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa pagsipa ng presyo ng bigas sa Zamboanga City na uma­bot sa P70 kada kilo.

Nais ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan na magbitiw na lang sa puwesto ang mga opisyal ng NFA dahil sa kabiguan nilang makontrol ang presyo ng bigas sa merkado.

“First things first: Fire the top management of NFA. The combination of both corruption and incompetence by top government officials in cahoots with wealthy private players in the rice industry ta­king advantage of the rising prices to profit handsomely,” sabi ni Pangilinan.

Hirit naman ni Senador Sherwin Gatcha­lian, buwagin na lang ang NFA dahil wala namang silbi ang ahensiya sa trabaho na ina­atang sa kanila.

Ayon sa isang financial data, bumaba ang kita ng NFA sa 38 porsiyento o P17.93 bil­yon noong 2017 mula P29.3 bilyon noong 2016 bagaman nakakatanggap sila ng subsidy mula sa government owned control corporations (GOCC).

“Taxpayers continue to shoulder the losses that NFA despite its consistent failure to fulfill its mandate to stabilize the market price of rice so that eve­ry Filipino family will be able to put enough rice on their plates. It’s time to abolish this unproductive agency and put taxpayers’ money to better use,” sabi ni Gatchalian.

Nagtataka naman sina Davao City Rep. Karlo Nograles at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kung bakit nalusutan ang DTI dahil responsibilidad nila na bantayan ang galawan ng presyo gayundin ang paghabol at pagpapanagot sa mapagsamantalang mga negosyante.

“We have to send a message that profitee­ring does not pay. Go­vernment must make it clear that if businesses try to illegally pad their profits, they will literally pay for their crimes,” pahayag ni Nograles na siyang chairman ng House Committee on Appropriations.