Abante Tonite Interactive

NFA makakasuhan sa pag-recycle ng bukbok rice

By
226

Nangangamba ang isang militanteng kongresista sa posibilidad na haluan ng binukbok na bigas ang maraming maayos na stock ng National Food Authority (NFA) upang maidispatsa ang mga ito.

Kapag ginawa umano ito ng NFA, ayon kay Anakpawis Rep. Ariel­ Casilao, ay mahaharap ang mga opisyal ng ahensiya sa graft at pro­fiteering.

“We seriously warn the NFA against mixing­ up the bukbok rice with those not infested, as it would be conscious action to defraud the poor and threat public health,” pahayag ni Casilao.

Binanggit ni Casilao na ayon sa isang ulat, pinatunayan ng isang eksperto o entomologist na si Josine Macaspac na ang bigas na may bukbok ay mas madaling mapanis at hindi mainam na kainin ito.

“At last, facts are being shown to the public to quell the despe­rate measures of go­vernment officials, to the point of lu­ring the public to harm and fraud,” sabi ni Casilao.

Dinagdag ng mam­babatas na kapag inihalo ng NFA ang ‘infested’ na stock sa iba ay hindi lamang inilalagay sa ala­nganin ang kalusugan ng publiko kundi tahasang panloloko umano ito sa mga pobreng consu­mer, alinsunod sa Republic Act No. 7581.

Iginiit ng mambabatas na kapag itinuloy ng NFA ang paglalako ng bukbok na bigas ay perwisyo at kapinsalaan ang idudulot nito hindi lang sa iilan kundi sa populasyon ng mahihirap sa bansa.

Kaugnay nito, umapela si Casilao sa lide­rato ng Kamara na magtakda na ng pagdinig sa isyu.