Abante Tonite Interactive

NFA rice na binukbok at winisikan ng pesticide, puwede pang isaing — Piñol

By
611

Hindi kailangang ideklarang unfit for human consumption ang binubukbok na bigas na iniangkat ng National Food Authority.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, maari pang pakinabangan ang iba rito basta ma-fumigate ito ng dalawang beses. Una, para mapatay ang mga adult na bukbok. Pagkalipas ng ilang araw, maari itong spray-an muli para mapatay naman ang mga naiwang itlog.

Sabi ni Piñol, kapaba­yaan ang tanging dahilan kung bakit binubukbok ang bigas ng NFA.

Sinisi niya sa nabitin na pagdiskarga ng bigas sa barko at hindi sapat na fumigation kung bakit binukbok ang bigas na ikalulugi ng malaki ng pamahalaan kung hindi na mapapakinabangan.

‘Pag nasayang ang buong shipment, kakailanga­nin muli mag-angkat ng pamahalaan ng ganoong kadaming bigas at habang hinihintay ang pagdating nito, maaring muling sumipa ang presyo ng bigas at ang inflation.

Sa kabilang banda, patunay naman daw na hindi ini-sprayan ng kemikal ang bigas ‘pag binukbok ito. Sabi ni Piñol, para rin daw itong itim na langgam na madalas makita na gumagapang sa mga matatamis na prutas na mahirap iwasan.