Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NFA: Suplay ng bigas hanggang 3 buwan pa

0 59

Pinawi ni National Food Authority (NFA) Administrator Atty. Judy Carol Dansal, ang pangamba ng publiko sa posibleng kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa, dahil may sapat pa umanong imbak ang ahensiya para punan ang pagkain ng mamamayan sa loob ng tatlong buwan.

Ito ay kahit iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 12 porsyento noong January 2021 ang imbentaryo sa bigas.

Ayon kay Dansal, maraming nakaimbak na bigas at palay sa kanilang mga warehouse sa buong bansa kung kaya’t walang dapat ipangamba ang taumbayan.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, may mga magsasaka ring nakapagtanim ng kanilang palay nitong Disyembre at maaaring anihin na ito ngayong Marso hanggang Abril.

Aniya, kahit tinamaan umano ng magkakasunod na bagyo noong nakaraang taon ang mga palayan ay hindi naman malaki ang nabawas sa target stocks ang NFA.

Sa kasalukuyan, aabot sa walong araw ang suplay ng bigas ng NFA na naidala na sa mga kanilang mga accredited store at maaari na umano itong bilhin ng publiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.