Abante Tonite Interactive

NFA tinukuran ang liberalisasyon ng bigas

220

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na nakikipagtulungan ito sa pagpapatupad ng batas sa liberalisasyon ng bigas o RA 11203 lalo na sa mga probisyon na direktang nakakaapekto sa ahensiya.

Ayon kay NFA OIC administrator Tomas R. Escarez, kahit bago pa malagdaan ang implementing rules and regulations (IRR) ang NFA ay nagpatupad na ng mga probisyon sa RA 11203 na nagkabisa noong Marso 5, 2019.

Kabilang dito ang lahat ng mga regulatory function sa internasyunal at lokal na panga­ngalakal ng bigas.

Abante Hiring – IT dep

Sa international rice trading, ang NFA ay huminto sa pagproseso ng mga dokumento para sa importasyon ng bigas at pagpapalabas ng import permit ng bigas para sa mga pribadong importer pati na rin ang pagsasagawa ng bidding sa pag-angkat ng pamahalaan.

Nakasaad rin sa batas na ang NFA ay kukuha lamang ng buffer stock sa mga lokal na magsasaka.

Sa ilalim ng Rule 3.4 ng IRR ang panahon ng paglipat ay sa “loob ng 60 araw” ang nakalaan sa pagpapatupad ng reorganisasyon ng NFA upang maging angkop sa bagong function.

Ang ahensya ay binibigyan ng 30 araw upang isumite ang Res­tructuring and Reorganization Plan to the Governance Commission for GOCCs (GCG) para sa pasusuri at pag-apruba sa loob ng 30 araw. (Mina Aquino)